NEWS UPDATES

Sekyu patay sa hold-up sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ January 12, 2014) ---Patay ang security guard ng isang gasoline station makaraang mahold-up ng apat na mga di pa nakilalang mga suspek sa Barangay Sudapin, Kidapawan City alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni City Police Director Supt. Leo Ajero ang napaslang na si Wahab Kanacan, residente ng Kidama, Matalam, North Cotabato.


Batay sa inisyal na ulat, lulan ng dalawang motorsiklo ang mga suspek na naka-bonnet ng pagbabarilin nila ang biktima na naka-bantay sa nasabing gasolinahan na makikita sa Kidapawan-Magpet highway.

Matapos barilin ang security guard ay mabilis na nagtungo sa cashiers booth ang isa sa mga suspek at nilimas ang 3,000 pesos na laman ng kaha.

Tinangay rin ng mga holdaper ang 12 gauge shot gun na service firearm ng biktima.

Nagpapatuloy ngayon ang pursuit operations ng mga otoridad upang mahuli ang mga suspek.


Ito na ang pangatlong insidente ng holdap sa Kidapawan City ngayong linggo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento