NEWS UPDATES

Truck Vs motorsiklo; 2 todas!

(Antipas, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Patay ang isang motorista at ang angkas nito ng mabangga ng ten wheeler truck ang motorsiklong gamit ng mga ito sa Poblacion Antipas, North Cotabato alas 5:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang mga biktima na Nilo Manalo, driver ng motorsiklo at ang angkas nito na si Michael Orcajada, pawang mga residente Purok Malipayon, Poblacion Antipas.


Hindi napansin ng driver ng ten wheeler truck na si Virgilio Blando ang paparating na motorsiklo ng mga biktima nang magtangka itong mag-overtake sa motorsiklong sinusundan nito.

Sinubukan pa ni Manalo na iiwas sa truck ang motorsiklo subalit nabigo ito at tuluyang bumangga sa truck.

Naisugod pa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.


Gayon pa man, boluntaryo namang sumuko ang  driver ng truck matapos ang aksidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento