(USM,
Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Ipinagdiriwang na USM Radio Station
o mas kilala bilang DXVL Kool 94.9 FM ang kaniyang ika-pitong anibersaryo
ngayong araw. Taong 2006 nang pormal na pasinayaan ang istasyon sa pangunguna
ni dating USM President Virgilio G. Oliva at noo’y CAS Dean Dr. Anita Tacardon
na siya ngayong station manager ng istasyon.
Mula
sa dating tagline na EXTRA KASAMA, nagsimula ipakilala ng DXVL FM ang kakaibang
istilo at bagong mukha ng FM station sa makabagong panahon kung saan
pinagsasabay ang paghahatid ng mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng
mga programa at promotions nito gaya na lamang ng BALitang Kool na dating Extra
Knowledge-On-Air, utak bulinaw, atbp.