NEWS UPDATES

Turismo ng North Cotabato, pinapalakas

(Amas, Kidapawan City/ July 16, 2013) ---Pinapalakas ngayon ng Provincial Government ng North Cotabato ang turismo ng probinsiya.

Ito matapos na nagbukas na ang Eco-Adventure Park at ang pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Barangay New Israel sa bayan ng Makilala, na ayon sa report, ito ang pinakabagong tourist destination na naidagdag sa Soccsksargen Region.

Sa ngayon bukas na ang zipline sa publiko, matapos na sumailalim sa mahabang training ang mga staff nito.

Ang zipline ay pangangasiwaan ng Public Affairs, Assistance, Tourism and Sports Development Division (PAATSDD) ng Office of the Provincial Governor.

Bukod sa nabanggit , maituturing din na isa sa tanyag na tourist spot ay ang Asik-Asik Spring Falls, na makikita sa bayan ng Alamada.

Ang bagong pinasinayaang land mark ng fort Pikit, sa bayan ng Pikit, ang dinadayong Mt. Apo, Pisan Cave ng Kabacan at ang water rafting sa bayan ng Alamada.

Para malaman ang numero ng mga pumupuntang turista kada taon, nagsagawa naman ang PAATSDD ng serye ng orientations on tourism statistics sa tatlong mga magkakahiwalay na lugar.

Sinabi ni Cot. Gov. Lala Mendoza na ang nasabing training ay naglalayong hikayatin ang mga nasa sektor ng kalakal na suportahan ang tourism industry ng probinsiya. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento