NEWS UPDATES

Barangay kagawad, tinodas ng Brgy. Kapitan sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isang 61-anyos na brgy kagawad makaraang barilin ng mismong Barangay Kapitan sa brgy. Damawato, Tulunan, North Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Federico Supat, nangungunang konsehal ng barangay habang kinilala naman ang suspek na si Gilberto Espilita, Kapitan ng nabanggit na lugar.

Nabatid na binaril ang biktima sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Nagkaroon umano ng kaunting kasiyahan sa brgy. Hall dahil kaarawan ng biktima nagkainuman, pero nagkaroon ng mainitang pagtatalo at bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril.

Bulagta agad ang biktima matapos binaril ng suspek na mismong kapitan ng brgy.

Mabilis na isinugod ang brgy. kagawad sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero ideneklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Kalabuso naman ang Kapitan sa Tulunan Lock-up cell habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya.(Rhoderick BeƱez with report from Ronald Padojinog)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento