NEWS UPDATES

Sultan Kudarat, niyanig ng 6.0 Magnitude na lindol ngayong gabi lamang

(Sultan Kudarat/ November 3, 2013) ---Niyanig ng 6.0 magnitude na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat alas-7:04 ngayong gabi lamang.

Sa inilabas na report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa lalim na 556 kilometro at nasa 195 kilometro sa bayan ng Palimbang lalawigan ng Sultan Kudarat. 


Samantala naramdaman ang Intensity 3 sa Malita, Davao Oriental, habang Intensity 2 naman Davao City.

Tectonic o nagkikiskisang lupa ang dahilan ng nasabing pagyanig.


Wala namang napaulat na casualties o nasirang ari-arian kasunod ng lindol. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento