NEWS UPDATES

Search for the USM Presidency, binuksan na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2013) ---Inanunsiyu ngayon ng University of Southern Mindanao (USM) Board of Regents na bakante na ang posisyon sa pagka-Pangulo ng Pamantasan.

Ito ang kinumpirma ni OIC Christopher Cabilen kasabay na rin ng kanilang paglathala sa nasabing anunsiyo sa pahayagang Manila Bulletin na lumabas na isyu noong October 25, 2013 at ang pagpublish kahapon (November 1) at November 8, 2013.

Sa hiwalay na panayam kay USM-Alumni Association Pres. Dr. Cedric Mantawil kabilang sa mga minimum qualifications na binalangkas ng BOR at batay na rin sa itinakda ng charter ng Republic Act 8292 na dapat hindi bababa sa edad na 35-anyos hanggang 61-taong gulang, walang kinakaharap na kaso at dapat ay doctoral degree sa isang kilalang eskwelahan.

Kaugnay nito, sa isinagawang BOR Meeting noong Hulyo sa Davao City at nitong Oktubre, nagpalabas ang BOR ng inisyal na pondo para sa Search Committee ng P600,000.00, ayon kay Dr. Mantawil.

Ayon kay Dr. Mantawil, Lima ang bumubuo ng Search Committee kungsaan chairperson dito ang dating Presidente ng University of the Philippines na di binanggit ang pangalan.

Kabilang din sa bubuo sa Committee ay ang respresentante mula sa CHED, sa katauhan ni Dr. Roman habang dalawa naman mula sa Private sector, isa dito mula sa Notre Dame University kapwa inindorse nina Atty. Hamlet Pahm at Bing Tuburan.

Samantala, pinaghalo naman ang academic community mula sa Alumni at estudyante sa katauhan ni Dr. Lope Dapun, matapos na mag-withdraw bilang kasapi ng Search committee si Dr. Consuela Tagaro, makaraang tumakbo ito nilang USMAA President at nanalo.

Sinabi ni Dr. Mantawil na posibleng sa huling bahagi ng 2014 ay mailuklok na ang bagong Presidente ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Samantala, hanggang alas 6:00 ng gabi sa November 28, 2013 ang deadline ng submission.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, bisitahin ang website ng University of Southern Mindanao sa www.usm.edu.ph. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento