NEWS UPDATES

Amon Jadid, ipinagdiriwang ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Ipinagdiriwang ngayong araw ang Amon Jadid o New Year sa Hijrah Calendar.

Ang deklarasyon ay batay sa memorandum na inilabas ng National Commission on Muslim Filipinos sa Cotabato City, alinsunod sa Presidential Decree 1083.

Kabilang sa mga lugar na saklaw ng pag-obserba sa Muslim holiday ang mga sumusunod: Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur,
Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur kasama na ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian at Zamboanga.

Samantala, maari ding di pumasok sa kanilang tanggapan ang mga Muslim na opisyales at kawani ng pamahalaan sa ibang lugar na di saklaw sa nabanggit, ito para maobserba rin nila ang nasabing okasyon.

Ang Amon Jadid ay isa sa mga importanteng pagdiriwang ng mga Muslim. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento