NEWS UPDATES

Carmen, North Cotabato; isinailalim na sa State of Calamity

(Kabacan, North cotabato/ June 4, 2013) ---Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang bayan ng Carmen, North Cotabato dahil sa nilikhang pinsala ng 5.7 magnitude na lindol nitong nkalips na Sabado. 
Inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) Region 12 chief Roy Dorado patuloy ang isinasagawa nilang assessment at pag-iimbentaryo sa iba pang mga gusali at mga bahay na winasak ng lindol.
Sa tala, pinakagrabeng naapektuhan ang Brgy. Kibudtungan at Brgy. Kimadzel kung saan umaabot sa 141 mga bahay ang napinsala.
Bukod sa mga bahay, ilang mga establisyemento ay naapektuhan at humina rin ang pundasyon ng ilang mga paaralan. 
Inaasahan naman ng OCD Region 12 na tataas pa ang halaga ng pinsala ng lindol mula sa inisyal na P56-M sa sandaling makumpleto na ang assessment sa lahat ng mga imprastrakturang winasak ng lindol. 
Sa kasalukuyan ay binabalot pa rin ng takot ang mga residente dahilan sa pagtama ng lindol na pumin¬sala sa kanilang mga kabahayan at ari-arian sa naturang bayan. 
Pansamantala namang nanuluyan ang mga apek¬tadong pamilya sa Brgy. Hall matapos na magtamo ng pinsala ang kanilang mga tahanan pero ang ilang residente ay bumabalik sa kanilang mga bahay tuwing umaga.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento