NEWS UPDATES

4 Patay kabilang na ang 1 taong gulang na bata; 5 sugatan sa vehicular accident sa Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Patay ang apat katao kasama na ang isang taong gulang na bata habang sugatan naman ang abot sa lima katao makaraang masangkot sa isang vehicular accident ang mga ito sa Landasan, Maguindanao partikular sa labas ng Amir Bara Lidasan National High School alas 2:30 ngayong hapon lamang.

Bagamat walang pagkakakilanlan ang mga biktima dead on spot ang mga ito makaraang masangkot ang dalawang sasakyan sa nasabing aksidente.

Galing umano sa Malabang ang Toyota Innova ng aksidenteng mabangga sa 10 wheeler truck na tinatahak ang kahabaan papuntang Parang, Maguindanao.

Mabilis namang isinugod ang mga sugatang pasahero sa pinakamalapit na bahay pagamutan.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento