NEWS UPDATES

Tumubong bulkan sa bayan ng Carmen, walang katotohanan –Phivolcs

Walang katotohanan ang mga kumukalat na text messages na may bulkan umanong tumubo sa bahagi ng bayan ng Carmen, na yayanig anumang araw. 

Pinabulaanan ito ngayong umaga ni Engr. Hermie Daquipa ng Phivolcs Kidapawan Sub-Office sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya ang mga nangyayaring lindol ay likha ng paggalaw ng lupa o tectonic plate ng mga nag-uumpugang mga bato sa ilalim ng lupa dahilan ng paglindol.

Sinabi nitong natural lamang na makakaranas ng maraming after shocks dahil sa paggalaw ng fault line, ayon pa sa opisyal. 

Abot sa 164 ang naitla nitong fter shocks simula ng tumama ang 5.7 na lindol noong gabi ng Sabado kungsaan 11 dito ay naramdamangmga pagyanig ng tao, dagdag pa ni Daquipa. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento