NEWS UPDATES

6 na BS accountancy students ng USM pasado sa katatapos na CPA Licensure Examination

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Namayagpag ang anim na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao o USM makaraang makapasa sa katatapos na Certified Public Accountant Licensure Examination na ginanap noong nakaraang buwan ng Mayo.
Ang mga bagong CPA ng Pamantasan ay kinilala ni College of Business Development and Economic Management o CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino na sina Jessa May Jaylon, Gladys Mae Labiao, Emlan Lilangan, Van Ferolin Palacios, Marivic Reston at Charisse Angela Segocio.

Isinagawa ang nasabing eksaminsyon noong Mayo 19, 20, 26 at 28 sa mga lungsod ng Manila, Bagiuo, Cagayan de Oro, Cebu , Davao, Iloilo at legazpi.
54.54% ang USM Passing rate samantala 27.41% naman ang National Passing Rate.
Batay sa report ni DEVCOM Reporter Allan Matullano, si Richard Saavedra mag-aaral ng Ateneo de davao University ang nanguna mula sa 1553 na nakapasa sa nasabing pagsusulit samantala ang De La Salle University- Manila naman ang top performing school na may 96.36 passing rate.
Ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang Oath taking ceremony ay iaanunsyo pa lamang ayon sa Professional Regulation Commission. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento