NEWS UPDATES

Mga programa sa USM-CAS, niluluto na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Pinaghahandaan na ngayon ang iba’t-ibang mga programa ng College of Arts and Sciences, University of Southern Mindanao isang linggo makaraang nag-umpisa ang klase sa Pamantasan.

Batay sa mga nilulutong programa, isasagawa sa Hunyo 13 ang taunang CAS Convocation and Induction Program.

Sa nasabing programa, magkakaroon ng presentation ng faculty and staff at induction ng LSG officers at orientation ng CAS Goals, Mission and Vision ang nasabing programa na pangungunahan ni CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan.

Ngayon pa lamang, pinaghahandaan na ng CAS LSG ng iba’t ibang games at Search for Mr and Ms. CAS Freshmen para sa mga 1st year students.

Ang College of Arts and Sciences Guidance Office, CAS LSG at mga Peer Facilitators ang naitalaga sa preparasyon ng programa. (Rhoderick Beñez with report from Karen Claire Campollo)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento