NEWS UPDATES

Canal lining projects sa Libungan RIS patuloy na sinusubaybayan

(Midsayap, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Maliban sa mga magsasaka sa distrito uno ng lalawigan na nakabantay sa ginagawang rehabilitasyon sa ilang irrigation facilities sa lugar ay nakatutok din dito ang tanggapan ni House Committee on Food Security Vice- Chairperson at North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan.

Sa report ni PPALMA news Correspondent Roderick Bautista, Tuloy- tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng opisina ng opisyal sa National Irrigation Administration o NIA Region 12 upang masiguro na nasa maayos na pag-implementa ang natukoy na proyekto.

Sinabi ni 1st Congressional District Office Infrastructure Focal Person Engr. Jerry Pieldad na puspusan ngayon ang pagsubaybay ng tanggapan sa lahat ng ginagawang concreting of canal lining projects lalung- lalo na sa service area ng Libungan River Irrigation System o Libungan RIS.

Dagdag ni Engr. Pieldad, dapat lamang masiguro at ma-monitor na nasa takdang oras ang nagagawang accomplishment ng mga nagpapatupad ng proyekto bago abutan ng nakatakdang pagbubukas ng patubig sa susunod na buwan.

Nabatid na inaasahang maibabalik ang serbisyo ng Libugan RIS ngayong darating na Hulyo.

Una nang inihayag ni LibRIS Irrigation Superintendent Engr. Rory Avance na kung sakaling may ilang bahagi ng canal lining projects na hindi natapos bago mag a-1 ng Hulyo ay hindi nila ikokompromiso ang napagkasunduang araw ng pagpapakawala ng tubig sa mga pangunahing kanal ng LibRIS.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento