NEWS UPDATES

Mga mangingisda sa lalawigan ng North Cotabato nakinabang sa fingerling dispersal ng OPA


(Amas, Kidapawan City/ April 2, 2013) ---Libu-libong mga fingerlings ang ipinamahagi sa mga fisherfolks sa lalawigan ng North cotabato sa unang quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Fisheries Chief Division Magdalena Gasang ang fingerlings dispersal ay isinagawa sa kanilang tanggapan na nasa Capitol compound, Amas, Kidapawan City.

Sinabi ng opisyal na bahagi ng Aquaculture Support Services ng tanggapan ang isinagawang programa.

Nabatid na may kabuuang 261,000 tilapia fingerlings ang naipamahagi sa 318 fishpond operators, samantalang 50,000 hito fingerlings naman ang naipamahagi sa 100 fishpond operators at 36,000 naman na bangus fingerlings ang naipamigay sa 60 fishpond operators.

Batay sa report ni OPA Correspondent Ruel Villanueva, nagmula pa sa mga bayan ng Antipas, Kidapwan City, Libungan, Magpet, Makilala, Mlang, Pigcawayan, Alamada, Arakan, Tulunan, Matalam, Midsayap, Aleosan at Pikit ang mga recipients ng fingerlings.

Layunin ng fingerling dispersal na ito na mapagkalooban ng initial fish stocks ang ating mga fisherfolks upang ma-sustain ang productivity ng mga fishpond projects sa bawat bayan at makamtan ang layuning kasapatan sa pangangailangan ng fish protein ng mga komunidad sa kanayunan.

Magdudulot din naman ito ng dagdag na kita para sa mga mangingisda o fishpond operators dito sa lalawigan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento