NEWS UPDATES

Buy and Sell sa Kabacan, hinold-up; di matukoy na halaga ng cash, natangay


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Hinold-up ng dalawang mga di pa nakilalang mga salarin ang Garcia Agri Buy and Sell na nasa National Highway, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP tinutukan ng baril ang may ari ng nasabing establisiemento na si Geraldine Garcia nasa tamang edad.

Walang magawa ang biktima dahilan kung bakit natangay ng mga ito ang di pa matukoy na halaga ng pera.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin sa di malamang direksiyon sakay sa isang kulay itim na single Honda XRM 125 motorcycle.

Sa ngayon nasa ilalim na ng imbestigasyon ng Kabacan PNP ang nasabing insedente habang pinakikilos na ng lokal na pamahalaan angmga otoridad sa pagsugpo ngmga kriminalidad sa bayan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento