NEWS UPDATES

36-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin sa Purok 2, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jerry Palen residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni P/Inps. Tirso Pascual ng Kabacan PNP kalibre .45 na pistola ang ginamit umano ng mga suspek sa nasabing pamamaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Matapos maisatuparan ang masamang balakin at mapasegurong tumba ang target agad namang tumakas ang mga suspek sakay sa kulay pulang Baja single motorcycle.

Inaalam na ngayon ng Kabacan PNP kung ano ang motibo ng nasabing pamamaril. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento