NEWS UPDATES

Paaralang bayan; isasagawa ng mga progresibong kabataan sa USM ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Magsasagawa ngayong araw ng Paaralang bayan ang mga progresibong mga kabataan ng Unibersidad na pamumunuan ng Kabataan Partylist.

Ito ang sinabi ni North Cotabato Kabataan Partylist representative Darwin Rey Morante bilang bahagi pa rin ng kanilang kilos proteta hinggil sa kanilang panawagan na pababain sa pwesto si Re-appointed Pres Dr. Jesus Antonio Derije.

Ito ay isang pambansang hakbang kungsaan nakikiisa din ang grupo sa nasabing programa nila na isasagawa dito sa loob ng Pamantasan.

Una dito, patuloy ang kanilang panawagan sa mga estudyante na makiisa sa kanilang ipinaglalaban.
Kaugnay nito, sinabi naman ni USM Pres. Derije na karapatan naman ngmga ito na magsagawa ng kanilang kilos protesta, dahil bahagi ito ng demokrasya ng bansa.

Nagpapasalamat din ang Pangulo sa pagbabalik normal ng Pamantasan kungsaan ay nabuksan na ang mga entry points ng USM kahapon ng umaga kungsaan ang ilang mga estudyante ay nakapagpatuloy sa pagkuha ng kanilang midterm examination kahapon.

Sinabi pa ni Dr. Derije sa mga kawani ng USM na balik opisina muna ngayong araw para mapunan ang ilang araw na nabalam ang ilangmga Gawain sa unibersidad dahil sa hindi makapasok ang mga empleyado dahil sa isinasagawang kilos protesta. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento