NEWS UPDATES

Peace covenant sa isang angkan at grupong nag-aaway sa bayan ng Makilala, North Cotabato; isinagawa


(Makilala, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Isinagawa ang Kanduli sa Kalinaw ug Kalambuan sa dalawang angkan na naglalaban sa Sitio Lacobe, Brgy. Malabuan, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ang nasabing peace covenant ay nilagdaan ng dalawang grupo.

Si Datu Tocs Baclid bilang representante ng Baclid Clan habang si Danny Llup naman mula sa FB representative.

Saksi sa nasabing covenant signing si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza, Mayor Rudy Caoagdan, ilangmga Sangguiang Panalalwigan members, mga brgy opisyal at mga residente sa lugar.

Nanguna din sa nasabing programa ang Department of Agrarian Reform o DAR.

Land conflict at ang di pagkakasunduan ng dalawang kampo ang dahilan ng matagal ng kaguluhan sa lugar na inaasahang matutuldukan na sa nasabing peace covenant, ayon sa gobernador.

Nag-ugat umano ang nasabing kaguluhan noong dekado 80’ kungsaan ang sitio Lacobe ang tinaguriang armed fighting grounds ng mga mga “Ilagas’ at ‘Black shirts”.

Pero bago ito nangyari, ang malawak na kagubatan ng Sitio Lacobe ay inuukupa na ng grupo ng mga Maguindanaoans na pinamumunuan ni Datu Molud Baclid.

Nais kamkamin ng unang grupo ang lugar na inuukupa ng mga grupo ni Baclid na bagay namang ipinaglalaban ng kapwa kampo hanggang sa nauwi sa matagal ng awayan.

Sa ngayon sa pamamgitan ng provincial government at ng Department of Agriculture nagkaroon ng kapwa patas na kasunduan ang dalawang grupo sa pamamagitan ng signing of the agreement per farm lot allocation at inaasahang ibubuhos sa lugar ang iba’t-ibang proyekto ng gobyerno. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento