NEWS UPDATES

5-anyos na bata; patay sa kidlat sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Patay ang isang 5 taong gulang na bata makaraang tamaan ng kidlat sa Matalam, North Cotabato, Kamakalawa.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Clinton Solarte Cantomayor, 5 taong gulang at residente ng brgy. Linao ng nabanggit na bayan.

Naganap ang insidente noon pang Enero a-kinse kung saan nagtamo ang biktima ng pinamataas na degree burn dahilan kung bakit di ito nakayanan ng biktima.


Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan pero ideneklarang dead on arrival ng mga doctor, ito ayon sa lolo ng bata na nakilalang si Miniato Catanus, 68-anyos.

Kung matatandaan, noong nakaraang linggo din, inireport ang isa ring misis na namatay matapos tinamaan din ng kidlat sa bayan ng Matalam.

Kinilala ang biktima na si Floramae.

Ito na ang ikalawang kaso ng lightning incidence ang naitala sa bayan ng Matalam sa buwang ito kungsaan dalawa katao na ang nadale. (Rhoderick BeƱez\Randy Yap)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento