NEWS UPDATES

Kongreso, inaprubahan ang dagdag RTC sa North Cotabato


(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Inaprobahan ng 15th congress ang naging House Bill 5514 noong martes ika-dalawamput-dalawa ng enero, dahil ito sa mahinang pagproseso ng mga kasong naapila sa nag-iisang Regional Trial Court ng North Cotabato.

Ang nasabing house bill ay ipinatutupad ang pagkakaroon ng dagdag branch ng RTC Judicial ng rehiyon dose. Ito ay pinangunahan ni north Cotabato 2nd district Congresswomwn Nancy Catamco.

Ang magiging adisyonal na RTC na ipwepwesto sa siyudad ng Kidapawan City ay inaprobahan ng house committee on justice at mga kinauukulan.

Ayon kay Catamco, ang rami ng mga nadisposed na kaso ay kaunti lamang sa mga kasong na file sa korte araw-araw, kahit gaano pa raw kagaling ang presiding judge.

Dagdag pa ni Catamco, ang mga kasong inaapila ay madalas mahirap ng matugunan dahil sa rami nito.

Ang senate bill na ito ay sponsored by Sen. Escudero na naaprobrahan sa ikatlong pagbasa noong ika-desesyete ng setyembre nakaraang taon. (Sheena Porras, DXVL news)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento