NEWS UPDATES

Istasyon ng Radyo sa Midsayap, North Cotabato niransak


(Midsayap, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Niransak at nilooban ang bagong estasyon ng radyo sa Poblacion 2 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato nito lamang sabado, Enero dalawamput-anim dakong alas-dos ng madaling araw taong kasalukuyan.

Tinangay ng mga di pa nakikilalang suspek ang isang unit ng desktop computer na pagmamay-ari ng isang Danilo Alam, 42 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Midsayap PNP, ginawang entry at exit point raw ng mga kawatan ang comfort room ng apartment at nang dumating na ang biktima sa nabanggit na estasyon upang magpatutog ng musika ay wala na ang kanyang computer.

Ayon sa biktimang si Danilo, wala naman raw nanakaw na pera ang mga kawatan dahil bagong bukas pa lamang ang estasyon ng radyo ng naturang bayan.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Midsayap PNP ang patungkol sa nangyaring insidente ng nakawan sa naturang bayan. (Randy Yap, DXVL News)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento