NEWS UPDATES

Central Mindanao Airport o Mlang Rural Airport sa Mlang,North Cotabato, tatapusin na


(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Ipinadala nitong nakaraang taon ni North Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco ang sulat sa Department of Transportation and Communications na naglalaman ng request para sa ikatatapos ng Mlang Rural Airport o Central Mindanao Airport .

Natanggap na rin ng opisina ni Congresswoman Nancy Catamco ang tugon ng DTC na nagsasabing naipasa na rin nila sa Department of Budget and Management o DBM ang paghiling ng pinanansyal na tulong ng North Cotabato sa pamahalaang nasyonal upang tuluyan nang matapos ang nasabing airport.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P136,000,000 na siya namang inaasahang maaprubahan agad at maisaayos na ang proyekto. (John Ancheta. DXVL News!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento