Sinabi ni Municipal Social welfare and
Development Officer Susan Macalipat na nadagdagan na ang apat na mga brgy
kungsaan ang mga pamilyang ito ay nagsilikas na simula pa noong gabi ng Martes
dahil sa unti-unting pagtaas ng lebel ng tubig.
NEWS UPDATES
▼
Mahigit sa 2,000 mga pamilya apektado ngayon ng tubig baha sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012)
---Sumampa na ngayon sa mahigit sa dalawang libong mga pamilya ang naapektuhan
ng pagragasa ng tubig baha sa ilang mga brgy sa bayan ng Kabacan.
Display ng mga handicraft na gawa ng mga Moro Women sa Kabacan; ibinida sa 34th CAS day
(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 7,
2012) ---Isinasagawa ngayon ang ika-34th College of Arts and
Sciences day sa University of Southern Mindanao sa University gymnasium.
Pangungunahan ni CAS Dean Dr. Evangeline
Tangonan ang programa kungsaan magiging pangunahing tagapagsalita si Executive Director for Moro People’s Community
Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan.
Musang o Wildcat nahuli ng mga estudyante ng USM sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012)
---Pinagtatakhan ng ilang mga boarders ng Silungan Boarding House na nasa Plang
Village 2 ang isang hayop na kanilang nakita na parang kasinlaki umano ng pusa
na itsura aso.
Dahil sa sobrang takot ng isang ginang na
nakilala lang sa pangalang Zeny ng makita ang pambihirang hayop, agad nitong tinawag
ang mga kasama sa bahay at ipinahuli ito.
Liwanag sa Kabacan contest, sabay-sabay na sisindihan mamayang alas 6:00 ng gabi
(Kabacan,
North Cotabato/ December 7, 2012) ---Alas 6:00 mamayang gabi sabay-sabay na
gagawin ang switch on ng mga Christmas lights bilang hudyat ng pagsisimula ng “Liwanag
sa Kabacan Contest” matapos na naiurong ito ng ilang araw dahil sa mga di
inaasahang pangyayari.
Sinabi
sa DXVL Radyo ng bayan ni Kabacan Tourism designate officer Sarrah Jane Guerrero
na nilahukan ng iba’t-ibang mga establisiemento ang nasabing paunang patimpalak
ng LGU para gawing mas makulay ang kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.
Mahigit sa 1 libung mga pamilya, apektado ng mga pagbaha sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012) ---Abot sa 1,655 ang apektadong mga pamilya sa
patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa 11 mga sitios buhat sa apat na mga
brgy. sa bayan ng Kabacan, dahil sa paghampas ng bagyong Pablo sa kalupaan ng
Mindanao nitong mga nakaraang araw.
Ito ang napag-alaman
ng DXVL News ngayong hapon kay Information Officer ng Kabacan Incident Command
Structure Sarrah Jane Guerrero kabilang sa mga brgy na ito ang Kayaga, Magatos,
Pedtad at Nangaan.
USM nakakuha ng 18 gold medals sa katatapos na Mascuf
(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 6,
2012) ---Kampeon ang Volleyball Women, Softball Women at Taekwondo ng
University of Southern Mindanao sa katatapos na Mindanao Association of State
Colleges and Universities Foundation o MASCUF na ginanap sa Central State
University o CMU at Bukidnon State University sa lalawigan ng Bukidnon.
Ayon kay ISPEAR Director Prof. Flora Mae
Garcia, nasa rank 2 ang USM sa Socio-Cultural habang nasa rank 5 naman sa
Sports.
Seguridad sa bayan ng Carmen, North Cotabato; tiniyak ng PNP sa nalalapit na kapaskuhan
(Carmen, North Cotabato/ December 6, 2012)
---Nakahanda na ngayon ang Carmen PNP sa buong seguridad ng bayan ng Carmen sa
nalalapit na kapaskuhan.
Sinabi ni PCInsp. Jordine Maribojo na
nagsasagawa na sila ngayon ng security and safety measures sa pagsisimula ng
simbang gabi bukod pa sa pagtitiyak ng seguridad sa mga vital installations,
business at mga commercial establishments ng bayan.
Ilang mga residente sa Kabacan, nagsilikas na dahil sa mga pagbaha
(Kabacan, North Cotabato/ December 6, 2012)
---Nagsilikas na ang ilang mga residente sa Sitio Lumayong at Malaabuaya lahat
mula sa brgy Kayaga dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig baha bukod pa sa mga
brgy ng Simone, Pedtad, Salapungan at Aringay, simula pa kagabi.
Umaabot na rin sa beywang ang tubig baha sa
ilang mga nabanggit na brgy. Maging ang
mga palay, mais at ilan pang mga pananim sa brgy Salapungan ay lubog na rin sa
tubig baha.
60 mga pamilya, pinalikas sa isang brgy sa kidapawan matapos ang namataang serya ng landslide sa lugar
Libu-libong residente ng Eastern Visayas at tatlo pang mga rehiyon
sa Mindanao ang apektado na matapos humampas ang bagyong "Pablo" sa
kalupaan ng Mindanao kaninang madaling araw.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC), umabot na sa 8,283 pamilya o 41,606 kato ang apektado sa Eastern
Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga.
Dito naman sa probinsiya ng North
Cotabato ---Abot sa 60 mga pamilya ang pwersahang pinalikas matapos ang serya
ng mga landslides sa Barangay Balabag sa
Kidapawan kaninang alas 12:30 ng tanghali.
Free Dental chek-up sa may mga kapansanan isasagawa kasabay ng International Day for PWD’s Celebration sa bayan ng Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012)
---Isasagawa sa bayan ng Kabacan sa Disyembre a-11 taong kasalukuyan ang
International Day for Person’s With Disability o PWD’s bilang pagpapahalaga sa
karapatan ng mga ito, batay sa Republic Act 7277 (Magna Carta for Disabled
Persons) at Batas Pambansa Blg. 344.
Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Roda Ann
Laguardia may inihandang programa ang LGU Kabacan hinggil sa nasabing programa
at isa na dito ang dental mission.
Field Day and Graduation ng mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School on Organic Vegetable; isasagawa ngayong araw
(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012)
---Abot sa mahigit sa 30 na mga magsasakang sumailalim sa Farmers Field School
on Organic Vegetables ang magtatapos ngayong araw na isasagawa sa Purok
Tagumpay, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato alas 7:00 ngayong umaga.
Ang nasabing programa ay sa ilalim ng
Municipal Agriculture Office ng Kabacan na pinamumunuan ni Municipal
Agriculturist Sasong Pakkal kungsaan magiging panauhing pandangal sa nasabing
pagtatapos si ATI XII Regional Director Abdul Daya-an.
Mas mahabang power interruption, nirereklamo na ng ilang mga residente sa Kabacan; mga negosyante umangal na rin; pagtaas sa bill sa kuryente, inalmahan
(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012)
---Sa kabila ng mas mahabang power interruption na nararanasan ngayon hindi
lamang sa bayan ng Kabacan kundi maging sa buong service erya na ng sakop ng
Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco, umaangal ngayon ang ilang mga
konsumedures dahil sa imbes na bumaba ang bill sa kuryente mas tumaas pa ito.
Bukod dito, hindi rin umano nasusunod ang
schedule ng load curtailment na ipinapatupad ng kooperatiba na siya namang
inaangalan ng mga residente.
Ilang mga medical students ng USM; sumailalim sa symposium sa Population Health and Environment
(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012) ---Isinagawa
kahapon ng umaga sa College of Nursing ng University of Southern Mindanao ditto
sa bayan ng Kabacan ang symposium hinggil sa Population Health and Environment
sa mga mag-aaral ng USM partikular na sa mga Nursing students at sa mga
widwifery.
Sinabi ni Cotabato Provincial Population focal Person Junmar
Gonzales na ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng provincial government ng
North Cotabato sa pamumuno ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza na
naglalayong palawakin pa ang kaalaman ng mga estudyante sa nasabing usapin sa
populasyon.
Cash for Work Program sa isang brgy sa Kabacan, nirereklamo!
(Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2012)
---Nirereklamo ngayon ng isang brgy. kagawad ang diumano’y di tamang pagbibigay
ng number of work at transaksiyon sa Cash for Work Program ng gobyerno sa ilalim
ng programa ng Department of Social Welfare and Development Office.
Ito ayon kay Brgy. Kayaga Kagawad Mustapha
Landasan kungsaan dapat sana ay labin limang araw ang tatrabahuin ng mga beneficiaries
sa Sitio Malabuaya, pero ang ilan sa kanila ay tig-dalawa o tatlong araw lamang
ang ibinigay na trabaho ng MSWDO, na bagay namang di sinang-ayunan ng opisyal.
1 brgy sa bayan ng Pikit, niharass ng mga pinaniniwalaang MILF; 3 BPAT sugatan
(Pikit, North Cotabato/ December 3, 2012)
---Nagsilikas mula sa kanilang tinitirhan ang abot sa mahigit sa 100 mga
residente ng Sitio Drier, Brgy Lingayen sa bayan ng Pikit, Cotabato matapos na
pasukin ang kanilang lugar ng mga pinaniniwalaang grupo ng 105th
base command ng MILF noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay PCInps. Elias Dandan, hepe ng Pikit
PNP tinatayang 30 mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ni kumander Puyop
ang sumalakay sa lugar na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong mga Barangay
Peace Action Team.
Mga official ng pulisya sa probinsiya ng North Cotabato sisibakin sa pwesto kung di masosolusyunan ang laganap na nakawan ng motorsiklo sa lugar
(Amas, Kidapawan City/ December 3, 2012) ---Marami ang pabor at
sumang-ayon sa panukalang sumailaim sa rotation ang mga Police Directors na
mabibigong solusyunan ang mataas na insidente ng motorcycle theft sa kanilang
area of responsibility.
Ito ayon kay Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Roque
Alcantara na papalitan o ililipat ang mga hepe ng bawat istasyon ng pulisya sa
Cotabato province na walang nagawa upang pigilan ang nakawan ng motorsiklo sa
kanilang lugar.
Lolo kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2012)
---Kritikal ang isang 72-taong gulang na lolo makaraang pagbabarilin ng di pa
nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 7:00 ng gabi
noong Biyernes sa Purok Kweba, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Sabo Enok Y Tari, 75, may asawa, magsasakawa at residente ng nabanggit na
lugar.