NEWS UPDATES

Musang o Wildcat nahuli ng mga estudyante ng USM sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2012) ---Pinagtatakhan ng ilang mga boarders ng Silungan Boarding House na nasa Plang Village 2 ang isang hayop na kanilang nakita na parang kasinlaki umano ng pusa na itsura aso.

Dahil sa sobrang takot ng isang ginang na nakilala lang sa pangalang Zeny ng makita ang pambihirang hayop, agad nitong tinawag ang mga kasama sa bahay at ipinahuli ito.

Hinuli ang nasabing hayop alas 3:00 ng hapon ng mga boarders at isinilid sa isang sako.

Ayon kay Darwin Rey Morante sa panayam ng DXVL News, kulay itim umano ang nasabing hayop.

Nang puntahan ng ilang mga taga College of Veterinary Medicine, doon nabatid na ang nasabing hayop ay isang Wild cat o mas kilala sa tawag na “Musang”.

Ang musang ayon sa report ay kumakain umano ng kape at ang ang dumi nitongbuto ng kape ay masarap inumin matapos maidaan sa isang proseso.

Karamihan sa mga musang ay makikita sa bayan ng Makilala at mahal ang benta ng nasabing kape. (Rhoderick BeƱez)


1 komento: