NEWS UPDATES

1 brgy sa bayan ng Pikit, niharass ng mga pinaniniwalaang MILF; 3 BPAT sugatan


(Pikit, North Cotabato/ December 3, 2012) ---Nagsilikas mula sa kanilang tinitirhan ang abot sa mahigit sa 100 mga residente ng Sitio Drier, Brgy Lingayen sa bayan ng Pikit, Cotabato matapos na pasukin ang kanilang lugar ng mga pinaniniwalaang grupo ng 105th base command ng MILF noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay PCInps. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP tinatayang 30 mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ni kumander Puyop ang sumalakay sa lugar na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong mga Barangay Peace Action Team.

Kinilala ang mga BPAT na sugatan na sina kanapia Busa, Eric Bugua at Khamir Pasadalan na naka destino sa Sitio Drier Outpost.

Ayon sa report ang tatlong mga sugatan ay mabilis na isinigod sa Cruzado Medical Hiospital para agad na mabigyan ng karampatang lunas.

Batay sa report may dalawang mga alagang hayop nab aka ang sugatan mataapos na matamaan ng mga high powered fire arms.

Ayon kay Dandan, posibleng rido ang isa sa mga anggulong tinitingnang motibo dahilan kung bakit naganap ang nasabing insedente. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento