NEWS UPDATES

Mga official ng pulisya sa probinsiya ng North Cotabato sisibakin sa pwesto kung di masosolusyunan ang laganap na nakawan ng motorsiklo sa lugar


(Amas, Kidapawan City/ December 3, 2012) ---Marami ang pabor at sumang-ayon sa panukalang sumailaim sa rotation ang mga Police Directors na mabibigong solusyunan ang mataas na insidente ng motorcycle theft sa kanilang area of responsibility.
          
Ito ayon kay Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Roque Alcantara na papalitan o ililipat ang mga hepe ng bawat istasyon ng pulisya sa Cotabato province na walang nagawa upang pigilan ang nakawan ng motorsiklo sa kanilang lugar.


Sa naturang pagkakataon, sinabi ni Alcantara na kapag nakapagtala ng 3 sunud-sunod na nakawan ng motorsiklo ang isang bayan ay agad na ire-relieve sa puwesto ang COP nito.                                                  

Ito ang sinasang-ayunan ng publiko bilang bahagi ng standard operating procedure ng PNP.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento