NEWS UPDATES

Siksikan sa huling araw ng CoC filing sa iba’t ibang election offices sa North Cotabato inaasahan na – ayon sa Comelec; ABC Pres nag-file ng kanyang COC sa pagka-alkalde ng bayan ng Kabacan

(October 5, 2012) ---Hanggang kahapon, matumal pa rin ang pag-file ng mga certificate of candidacy o CoC sa iba’t ibang mga election offices sa North Cotabato.
     
Sa Makilala, ta-tatlo pa lang ang nagpa-file ng kanilang CoC sa pagka-konsehal.   Lahat sila independent candidates.
     
Sa Kidapawan City, tatlo nang mga kandidato sa pagka-alkalde ang nag-submit ng kanilang CoC.
     
Una rito si Manuel Adajar, sumunod si Joseph Evangelista ng Liberal Party, at Engr. Ernido Gantuangco bilang independent candidate.

     
Kasabay din ni Evangelista sa pag-file ng CoC ang buo niya’ng line-up – simula vice-mayor hanggang sa konsehal.
     
Vice-Mayor niya, sa ilalim ng Liberal Party, si incumbent City Mayor Rodolfo Gantuangco.
      
Sampu ang kandidato pagka-konsehal sa ilalim ng line-up ni Evangelista, kasama na rito ang pitong mga incumbent city councilors.
      
Lima ang kandidato pagka-konsehal sa line-up ni Engr. Gantuangco, at isa ang kandidato sa ilalim ng Makabayan Party.
      
Sa Matalam, halos sabay-sabay naman na nagfile ng CoC ang kasapi ng Partido’ng Masa, kahapon.
        
Pinangunahan ito ni Saturnino Amatac na tatakbo bilang alkalde at Jeffrey Sungkaya sa pagka-bise-mayor, at walo naman ang tatakbo bilang konsehal.
        
Sa Kabacan, halos sabay ding nagdeklara ng kandidatura sina Herlo Gurman Jr. na tatakbo bilang mayor at Datu Maido Sultan sa pagka-bise mayor, kapwa mga independent candidates.
        
Abot naman sa labintatlo ang tatakbo sa sanggunian ng bayan sa Kabacan.
      
Sa M’lang, nag-file ng kanyang re-election bid pagka-mayor si Joselito Pinol.   Nag-file din ng kanilang mga CoC sina Joselito Mercado bilang alkalde at Elberta Tejada bilang bise-alkalde.
      
Kasama rin nilang nagfile ng COC ang walo’ng independent candidates para sa pagka-konsehal.
      
SA TULUNAN, lima na mga independent candidates ang nadagdag sa mga nag-file ng CoC.
      
SA PIKIT, isang independent candidate ang nag-file ng CoC pagka-konsehal.
        
Muli, nagpaalala ang Comelec sa mga kandidato na mag-file na ng kanilang CoC bago ang 5 oclock.
      
Dahil paglagpas ng 5 oclock, sarado na ang kanilang mga opisina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento