NEWS UPDATES

Naiwang bag sa USM Avenue, inakalang may lamang IED


(Kabacan, North Cotabato/October 8, 2012) ---Naglikha ng takot at tensiyon ang naiwang bag ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao sa USM Avenue, partikular sa ilalim ng fruit stand malapit sa Amplayo grocery Store, Poblacion, Kabacan, bago mag alas 8:00 kagabi.

Sa inisyal sa pagsisiyasat ng mga otoridad negatibo sa lamang Improvised Explosive Device o IED ang naturang bag batay na rin sa reaksiyon ng sniffing dog ng Kabacan PNP na dumating rin sa erya.


Pero nagdulot ito ng bomb scare sa mga residente na dumadaan sa USM Avenue kagabi.

Nang buksan ang laman ng kulay itim na bag, mga extension wire at gamit sa eskwela ang nakita ditto.

Sa panayam ng DXVL News sa may ari ng nasabing bag na si Mark John Padernal, BS Civil engineering student ng USM, di umano niya namalayana na nahulog ang naturang bag buhat sa sinasakyan nitong tricycle.

Dahilan kung bakit napagkamalan itong may lamang bomba dahil sa di pinapansin ang naturang bag ilang oras na ang nakalilipas.

Sa ngayon naibalik na sa may ari ang naturang bag. (Rhoderick BeƱez)

  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento