NEWS UPDATES

Kongresista hinikayat ang mga magsasaka na i-avail ang Sikat Saka program

(Midsayap, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Sa ginanap na konsultasyon kamakailan sa mga miyembro ng MPLK (Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Kabuntalan) Federation of Irrigators Association, hinikayat ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang mga magsasaka na mag- avail sa Sikat Saka Loan program ng gobyerno.

Ayon sa opisyal, isa itong pagkakataon na mabigyan ng opurtunidad ang mga irrigators upang magkaroon ng dagdag tulong pinansyal sa kanilang pagsasaka, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Dagdag ni Cong. Sacdalan, mainam na ihanda na ang mga kaukulang dokumento para sa aplikasyon sa nasabing loan program.

Ito ay upang maagang maproseso at magamit ang loan sa muling pagbubukas ng planting season ngayong Nobyembre.

Hiniling din ni Cong. Sacdalan sa DA at Land Bank of the Philippines na magkaroon ng karagdagang orientation sa mga magsasaka sa buong unang distrito ng North Cotabato kaugnay ng pagpapatupad ng programa.

Noong nakaraang buwan nang bumisita dito sa North Cotabato si DA Assistant Secretary at National Rice Program Coordinator Dante Delima, matatandaang ipinaliwanag nito sa mga magsasaka ang malaking benipisyong hatid ng Sikat Saka Program.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento