NEWS UPDATES

Motorsiklo, ninakaw sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Isa na namang panibagong insedente ng nakawan ng motorsiklo ang naitala ng Kabacan PNP.

Kinilala ang biktima na si Arnold Magbanua Porras, 30 ng brgy Malamote may ari ng XRM 125 Honda na may plate number 6872 MM.

Naganap ang nakawan bandang alas 12 ng hating gabi at ala 1:00 ng medaling araw kahapon.
Ayon sa report nakaparada ang nasabing motorsiklo sa kanilang garahe ng malamang wala na ang nasabing sasakyan.

Kung matatandaan isang ring motorsiklo ang ninakaw kamakailan na pag-aari ng Kabacan Evangelical church na nasa Corner Villanueva at Mercado st., ilang araw matapos ang isinagawa nilang thanksgiving. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento