NEWS UPDATES

Hydropower electric source sa nakikitang solusyon sa power crisis sa North Cotabato 1st District


(Midsayap, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Sa patuloy na nararamdamang krisis ng kuryente sa unang distrito ng North Cotabato, may mga mungkahing solusyon ang isa sa mga lider ng lalawigan.

Inihayag ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na isa sa mga nakikitang solusyon sa power crisis sa distrito ay ang pagkakaroon ng sariling hydropower electric source.

Maari umanong pakinabangan ang mga irigasyon sa PPALMA bilang alternative source of electric energy, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.


Sinabi ni Cong. Sacdalan na kung may magandang disenyo at plano upang gamitin ang water current mula sa pangunahing dam sa distrito ay magkakaroon ng sariling pagkukunan ng kuryente ang PPALMA.

Ngunit binigyang- diin ng opisyal na hindi nila ito magagawa sa isang gabi lamang.

Humingi rin ng pang-unawa at panahon si Cong. Sacdalan na tutukan ang problema sa krisis sa kuryente.

Sa kasalukuyan, humigit isa’t- kalahating oras ang nararanasang brown-out sa unang distrito ng North Cotabato.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento