NEWS UPDATES

1 lola at isang kasama pa; huli dahil sa illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Arestado ang dalawa katao sa isinagawang saturation drive ng Kabacan PNP kontra illegal gambling sa bayan.

Kinilala ng Kabacan PNP ang naaresto na sina: Albert Rivera Bedeharde, 28-anyos at si Lina Rivera Bedeharde, 62-anyos kapwa residente ng Roxas St., Poblacion ng nabanggit na bayan.

Nahuli ang dalawang nagpapataya ng game of chance sa Poblacion, Kabacan alas 10:30 ng umaga nitong Sabado, na mas kilala sa tawag na Last 2 at last 3 digit kungsaan kinukuha ang resulta mula sa Lotto result ng PCSO.

Nakuha mula sa kustodiya ng mga ito ang isang calculator, 1 pad paper, 1 pad ng tally sheet at iba pa.

Sa ngayon nasa pangangalaga ng Kabacan PNP ang mga ito. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento