NEWS UPDATES

Pulis na iniuugnay sa last two operations sa North Cotabato, pinabulaanan ang mga alegasyon kontra sa kanya


(Kidapawan city/ October 9, 2012) ---Pinasinungalingan ni Senior Police Officer 4 Bong Cornelio, intelligence officer ng North Cotabto Police, ang mga spekulasyo’ng may kaugnayan siya sa last two operations sa lalawigan.
      
Ito ang sinabi ni Cornelio bilang tugon nito sa isang letter expose na ipinalabas ng ‘di nagpakilalang whistle blower.

      
Aniya, maaari’ng isa lamang sa mga hinuli nilang last two financiers ang nagdawit sa kanyang pangalan.
      
Nagpalabas si Cornelio ng pahayag upang linisin ang kanyang pangalan at pati na rin ang kanilang organisasyon.
      
Naapektuhan na rin umano ang kani-kanilang pamilya dahil sa walang katotohanang pahayag.
      
Tiniyak naman ng pulis na handa siyang sumailalim sa imbestigasyon upang pormal na linawin ang pagkakadawit sa kanya sa iligal na gawain.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento