NEWS UPDATES

Mga motorsiklo ng ilang mga alagad ng batas, kawani ng gobyerno, sundalo, brgy opisyal at iba pa huli dahil sa paglabag sa traffic rules sa highway inspection sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Abot sa daan-daang mga motorsiklo at sikad na may paglabag sa batas trapiko ang hinuli ng otoridad sa isinagawang “Oplan Lambat Bitag” sa mga pangunahing kalye ng Poblacion, Kabacan kahapon ng umaga.

Nanguna sa nasabing operasyon ang mga elemento ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Supt. Alex Tagum ng Cotabato Police Public Safety Company, Kidapawan PNP, Carmen PNP at iba pa.

Ang mga naka-impound na motorsiklo ay may paglabag sa batas trapiko kagaya ng “No Helmet no Travel Policy”, walang registration o lisensiya at mga expired ang driver’s license.


Ayon sa opisyal may nahuhuli din silang mga sundalo, brgy opisyal at ilang  mga kawani ng gobyerno na may mga paglabag na isinasaad ng batas trapiko.

CPPSC Supt. Alex Tagum
Bukod dito, inaresto naman nila si Brgy. Kayaga Kagawad Mustapha Landasan matapos na makitaan ng isang 9mm handgun na may mga live ammos.

Si Landasan ay hinuli sa Corner corner Roxas at Quirino St., Poblacion kabacan habang kasagsagan ng higway inspection hinggil sa operasyon lambat bitag dahil sa paglabag sa illegal possession of fire arms, ayon kay Supiter.
  
Sinabi pa ni Supiter na ipinapatupad lamang nila ang batas trapiko partikular na sa mga bumibiyahe na walang mga helmet at lisensiya, kungsaan marami pa rin sa mga ito ay nandito sa Kabacan, ito dahil sa naging maluwag ang mga otoridad sa pag-papa-implemanta ng batas sa Kabacan.

Sa ngayon ang ilang mga nahuli ay isinailalim sa masusing imbestigasyon para alamin kung ang mga gamit na motor ay carnap o mga pinaghihinalaang riding in tandem na mga hired killer.

Bagama’t ayon kay Supt. Tagum, negatibo sa mga illegal possession of fire arms at illegal drugs ang pinagdududahan nilang mga nahuli sa nasabing violations di naman silang maghihinto para masawata ang anumang krimen sa bayan.

Ang operasyon lambat bitag ay direktiba ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ni Cotabato Provincial Director Senior Supt. Cornelio Salinas para maregulate at masawata ang mga kolurom na sasakyan sa probinsiya. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento