NEWS UPDATES

Mga madidilim na kalye sa Poblacion, Kabacan; nirereklamo; brgy. officials, bibigyan na ng aksiyon

(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Matapos ireklamo ang matagal ng di naaksyunan na madilim na kalye sa bahagi ng Miracle St., dito sa Poblacion ng Kabacan. 

Tiniyak ngayon ng pamunuan ng brgy. Poblacion na agad nila itong bibigyan ng atensiyon.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Brgy. Kagawad Edna Macaya sa panayam ng DXVL News kahapon.

Ayon sa opisyal, naantala umano ang paglalagay ng mga ilaw sa poste sa bahagi ng Miracle St., dahil sa wala silang makuhang electrician na mag-lalagay ng mga ilaw.

Giit ni Kagawad Macaya na ngayong weekend ay palalagyan na nila ng ilaw ang poste ng Miracle st. partikular sa crossing Abellera at sa harap ng Garcia Residence.

Ayon naman kay Poblacion Kapitan Herlo Guzman Jr., may ilaw na siyang ibinigay sa mga madidilim na kalye, pero maging siya ay nagtaka dahil hanggang ngayon ay di pa ito nailagay.

Maliban dito nirereklamo din ng ilang mga residente ang madilim na kalye papunta ng Sunrise St., na ilang taon na ring di nabibigyan ng pansin ng mga kinauukulan.

Ayon sa report, nagiging perwisyo ito sa ilang mga estudyanteng uuwi ng kanilang boarding tuwing gabi mula sa klase dahil kung minsan ay ayaw na silang ihatid ng mga tricycle.

Bukod dito, nirereklamo din ang kalye ng Roxas St., Osias Quirino at ilang bahagi ng Villanueva subdivision.

Kaugnay nito, sinabi ni Macaya na bibigyan nila ito ng agarang aksiyon sa lalong madaling panahon.
Aniya, aminado sila na marami pa rin sa ilang mga kalye ng Poblacion ang walang mga ilaw ang poste. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento