Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan
PNP may ilan umanong mga armadong grupo ang umaaligid sa paligid ng himpilan ng
pulisya simula pa nitong nakaraang gabi.
Batid ng opisyal na planu umano nilang
i-rescue ang kanilang kasamahan na ngayon ay nakakulong sa Kabacan loc-up cell.
Kahapon, isinampana na ng Kabacan PNP ang
kasong possession of illegal fire arms at ammunitions kontra kay Dagem, habang
patuloy namang iniimbestigahan ang suspek sa iba pang mga krimen na sangkot
siya, ayon kay Supiter.
Ang suspek ay na timbog ng pinagsanib na
pwersa ng Cotabato Police Public Safety company na pinangungunahan ni Supt.
Alex Tagum at ng Kabacan PNP noong Lunes sa Brgy. Magatos habang nakatakas
naman ang ilan pang mga kasamahan nito. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento