NEWS UPDATES

Magpet DSWD, na aalarma sa pag taas ng kaso ng paglabag sa R.A. 9262 o Violence against Women and Children

(Magpet, North Cotabato/May 11, 2012) ---Naalarma na ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Magpet, North Cotabato dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso hinggil sa paglabag sa R.A. 9262 o Violence against Women and Children.

Ayon kay Magpet DSWD Officer Antonia Fernandez, umabot na sa siyam na kaso ang kanilang naitala sa unang quarter pa lamang ng taong ito.

Gayunpaman, ito raw ay positibong senyales na nagiging mas matalino na sa ngayon ang mga kababaihang nakakaranas ng pananakit.

Epekto raw ito ng kanilang mas pinaigting na information drive para maipaalam ang karapatan ng bawat kababaihan sa lipunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento