Sangkot sa nasabing
insedente ang isang pampasaherong Suzuki Multicab, kulay berde na may plate
number MVW-470 na minamaneho ni Leo Collintas Lacaza, 33 at residente ng PNP
Barracks, Tagum city, at isang Toyota Innova Wagon na may plate number LHB 910
na minamaneho ni Rodolfo Entela, 57, residente ng Poblacion Tagbira, Surigao
del Sur.
Binabaybay umano ng
nasabing multicab ang kahabaan ng National Highway galing ng Matalam papunta ng
Poblacion, Kabacan ng aksidenteng mabangga sa isang Toyota Innova na nagresulta
sa pagkasira sa likurang bahagi ng Toyota at pagkasira din ng unahan ng na
bahagi ng nasabing multicab.
Samantala, isa pang
vehicular accident rin ang naganap sa National Highway ng kabacan, partikular
sa Corner Rizal Avenue at Jacinto St.
Sangkot dito ang
isang motorise tricycle na may plate number XK 4710 at isang unit ng Toyota
Hilux D4D na minamaneho ni Mohammed Ferced Bayan Ungkakay na residente ng Nayon
sheriff, Kabunsuan, Cotabato City.
Isa sa kanila bigong
makapag-presenta ng driver’s license habang patuloy namang iniimbestigahan ng
Kabacan PNP ang nasabing pangyayari. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento