NEWS UPDATES

Full Payment sa tuition fee na mag-i-enroll sa USM; nilinaw ng Pangulo

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Bagama’t hinihikayat ang full payment sa pagbabayad ngayong enrollment dito sa University of Southern Mindanao.

Nilinaw naman ni USM Pres Dr. Jess Derije na pwede namang magbayad ng 50% kapag di kaya ang babayarang matrikula.

Ayon sa pangulo, maari naman umanong kumuka ng waiver sa College Dean upang mapahintulutan na makapag-enroll ng 50% lamang ang babayaran sa matrikula.

Bagaman pinahihintulutan ang pagbabayad ng limampung porsiento, isang daang porsiento naman ang dapat na babayaran sa miscellaneous fee dahil ayon sa Pangulo ay kakailanganin ito ng mga estudytante sa laboratory activity nila.

kanyang programa kaninang umaga na USM ngayon at bukas na mapapakinggan na ng mas maaga mula 5:30-6:00 ng umaga Lunes hanggang Biyernes dito sa DXVL Radyo ng bayan.

Una dito ang USM ay hindi magtatas ng matrikula sa kabila ng pagpayag ng Commission on Higher Education sa 222 mga pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Ayon sa Pangulo nandito ang USM na handang tumulong sa bawat mag-aaral nito. (Rhoderick Beñez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento