Ito ngayon ang pangunahing tinututukan ni
P/Supt. Raul Supiter para tuluyan ng mabuwag itong mga nagtutulak at gumagamit
ng nasabing illegal na droga.
Kaugnay nito, humuhiling ngayon ng suporta
mula sa pamahalaang lokal ang opisyal na mabigyan sila ng mga lighting at water
facilities sa itatayo nilang monitoring team sa Purok Chrislam, na sinasabing
drug den sa Kabacan.
May mga tauhan na rin itong inilagay at mga
checkpoint sa bawat sulok sa lugar.
Maliban sa Purok Chrislam, may ilan ding
lugar at brgy na minomonitor ang opisyal dahil sa talamak din ang pagtutulak ng
illegal na droga. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento