NEWS UPDATES

Mid-year bonus ng mga regular na kawani ng USM; matatanggap na

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Maagang matatanggap ngayon ng mga regular na kawani ng University of Southern Mindanao ang kanilang Mid-year bonus matapos na pinirmahan na ni USM Pres Dr. Jess Derije ang voucher na nagkakahalaga ng P7M.

Ayon sa Pangulo ma-rerelease na ang nasabing bonus, anumang araw simula ngayon.

Una dito, nagpapasalamat naman si Pres Derije na sa kabila ng problema na kinakaharap ng kanyang administrasyon ay nabibigyan naman nito ng solusyon.

Giit pa nito na walang tigil na gumagawa ng intervention ang kanyang pamunuan para ng sa ganun ay di mapuputol ang mga serbisyo na maibibigay sa mga mag-aaral at kawani ng USM. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento