(Makilala,
North Cotabato/April 26, 2012) ---Isinisisi ng ilang mga motorista ang
butas-butas na kalsada sa highway ng Makilala dahilan kung bakit madalas
nagaganap ang aksidente sa lugar.
Dahil sa
butas ng kalsada sa highway ng Makilala, bumaliktad ang Lawin jeepney na
minamaneho ni Rogelio Bernardo na may lulang 30 pasahero.
Ayon sa
driver, iniwas niya sa mga butas ng kalsada ang minamanehong sasakyan nang ‘di
namalayang nahulog na ito sa shouldering.
Tatlo sa
mga pasahero ng jeep sugatan makaraang magpagulong-gulong ang jeep hanggang sa
bumaligtad sa gitna ng kalsada.
Ang
butas-butas na kalsada sa Makilala ay matagal ng inirereklamo ng mga motorista
at mga biyahedor. Hanggang sa ngayon, ‘di pa nabibigyan ito ng solusyon. (RB ng
Bayan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento