NEWS UPDATES

USM, hindi magtataas ng matrikula sa kabila ng pahayag ng CHED na may 222 mga pribadong paaralang may tuition fee increase

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 26, 2012) ---Inanunsiyo ng pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM na hindi magtatas ng matrikula ang Pamantasang ito para sa nalalapit na pasukan ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant to the President Bebot Moneva dahil wala naman umanong resolusyon board na inaprubahan ang board of Regents ng USM.

Una dito, abot kasi sa 222 mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nakatakdang magtaas ng kanilang matrikula ngayong school year.

Sa kabila nito, sinisikap naman ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa pamumuno ni USM Pres Dr. Jess Derije na pagtutuunan nila ng pansin na mapalakas at mapatatag ang four fold function ng USM ang instruction, Research, Extension at Resource Generation upang lalo pang mabigyan ng mas de kalidad na edukasyon ang bawat kliyente nito.

Samantala, sinabi naman ni Director for Instruction Dr. Lorna Valdez na ipapatupad naman nila ang full payment sa tuition fee sa lahat ng mga eenroll ngayong pasukan. (RB ng Bayan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento