Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Eduardo Gerodias, nasa tamang edad at residente ng brgy. Osias ng nabanggit na bayan.
Kinilala
ang suspek na si Steve Guillermo, 36-anyos, may-asawa at residente ng nasabing
lugar.
Batay
sa report, nag-aayos umano ng linya ng kuryente si Gerodias sa compound ng
suspek sa brgy. Katidtuan at pagbaba nito mula sa trabaho ay agad na
pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang matulis na bagay.
Mabilis
namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical specialist bago dinala sa
Kidapawan subalit binawian na ito ng buhay ala una ng madaling araw kanina.
Di
pagkakaintindihan ng dalawa ang nasisilip na dahilan ng mga otoridad.
Sa
ngayon sa kulungan ang bagsak ng suspek habang inihahanda ang kasong
kakaharapin nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento