Sa panayam ng DXVL News kay P/Supt. Joseph
Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing mga biktima ay nasa edad 18-23
taong gulang bagama’t patuloy pang inaalam ang address ng mga ito.
Dagdag pa ni Semillano na posible umanong
mga estudyante ng USM ang mga biktima batay sa mga school records na kanilang
nakuha.
Ang dalawa ay sakay sa kanilang motorsiklo
buhat sa bayan ng Matalam papunta ng Kabacan ng sinusundan din ng isa pang mga
riding in tandem at bigla na lamang dinikitan ang mga ito at pinagbabaril gamit
ang .45 na pistol batay sa mga empty slug na narekober sa crime scene.
Tinamaan ang mga biktima sa ulo na mabilis
namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist habang di kalaunan ay isinugod sa
isang ospital sa Kidapawan city.
Agad namang inatasan ni Kabacan Mayor George
Tan ang mga pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para sa ikadarip
ng mga responsable sa nasabing krimen.
Sinabi naman ni Supt. Semillano na patuloy
pa nilang inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril kungsaan agad naman silang
nagsagawa ng dragnet operation para sa possible pagkakahuli ng mga suspetsado.
(Rhoderick Beñez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento