NEWS UPDATES

Mlang Airport, pagsisikapang maipagpatuloy; karagdagang pondo ilalaan ng national government

(Midsayap, North Cotabato/March 27, 2012) ---Inihayag ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan na sinisikap ng national government na tapusin ang sinimulang rural airport na nakabase sa Brgy. Tawan- tawan, Mlang, North Cotabato.

Ayon sa panayam sa opisyal, may karagdagang 100 Milyong pisong pondo na ilalaan ang national government sa natukoy na proyekto, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Dagdag ni Cong. Sacdalan, magmumula umano ang karagdagang pondo sa Department of Transportation and Communication o DOTC. Upang maipagpatuloy ang proyekto, may commitment na si DOTC Secretary Mar Roxas na maghahanap ito ng additional funds mula sa kanyang departamento.


Ngunit binigyang- diin ni Cong. Sacdalan na ang nasabing adisyunal na pondo ay ipapanukala muna nila sa Committee on Appropriations ng Kongreso upang maisali sa dilberasyon ng annual budget ng gobyerno sa susunod na taon.

Hiniling din ng dating gobernador na sana ay huwag bigyang kulay ang mga pagsisikap na ito dahil kapwa layunin ng national at provincial officials na maipagpatuloy ang magandang proyektong nasimulan na mapakikinabangan ng higit na nakararami.

Personal ding binisita ng kongresita ang kalagayan ng Mlang Airport. 

Kasama sa ocular visit si Second District Representative Nancy Catamco, Kidapawan Mayor Rodulfo Gantuangco, Former Board Member Rey Pagal at kinatawan ng media.
Matatandaang sinimulan ang Mlang Airport Project noong 2001. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento