NEWS UPDATES

Motorsiklo nasunog sa loob ng USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 28, 2012) ---Isang motorsiklo ang nasunog sa harap ng College of Human Ecology and Food Sciences partikular sa harap ng CHEFS Canteen dakong alas 5:00 kahapon ng hapon.

Batay sa report, faulty wiring umano ang dahilan ng pag-ignite ng apoy kungsaan mabilis namang kumalat matapos na madilaan ng apoy ang tangke ng tricycle.

Ayon sa report, agad naman umanong naapula ang sunog bagama’t natupok na umano ang buong sasakyan na minamaneho ng isang driver na taga-Sunset.

Isang fire extinguisher ng College of Human Ecology and Food Sciences  ang ginamit sa pag apula ng nasabing sunog. (RB ng Bayan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento