NEWS UPDATES

PNP Kabacan, blanko pa sa mga suspek na responsable sa Moreno’s Killing

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang gingawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa kung sinu ang responsable sa pagpalang kay Taya Jun Talusan Moreno, 53-anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Plang Village II, Poblacion ng bayang ito.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP inaalam pa nila ang motibo sa nasabing krimen.


Matatandaan na marami ng attempts sa buhay ng biktima matapos na hagisan din ng granada ang bahay nitong noong Enero a-12, 2015.

Matatandaang pinagbabaril ang biktimang noong Martes ng hapon dakong alas 4:30 ng hapon.

Samantala, tuluyan na ring inihatid sa kanyang huling hantungan ang biktima at inilibing ito batay sa kulturang Muslim sa Brgy. Sanggadong.

Dinaluhan ng mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan nito ang paglibing kay Moreno, kabilang na dito si Poblacion Kapitan Mike Remulta na nagpaabot agad ng kanyang pakikiramay sa pamilya Moreno.

Ipinaaabot naman ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang kanilang agarang pakikiramay sa naiwang pamilya ng biktima.

Sa ngayon wala pang lead ang mga kapulisan sa motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento