NEWS UPDATES

Ex-Board of Director ng COTELCO, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2015) ---Ihahatid na ngayong araw sa kanyang huling hantungan ang namayapang dating Board of director ng Cotabato electric Cooperative Kabacan District matapos na binawian na ito ng buhay noong Biyernes ng gabi.

Pumanaw sa edad na 64 si Merca Laogan Bao-ay dahil sa iniinda nitong karamdaman na stage 3 Ovary Cancer.

Alas 7:30 ngayong umaga ay gagawin ang funeral service sa kanilang simbahan sa Brgy. Bannawag.


Kahapon din ay nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng cotelco sa pamumuno ni GM Godofredo Homez, kasama si dating Board Director Samuel Dapon at si Kapitan Mike Remulta ng Brgy. Poblacion kasama ang mga retirees at mga teacher’s association ng Kabacan na nagsagawa din ng necrological service kahapon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento